OPISYAL NA PAHAYAG NG SEKTOR NG TRANSPORTASYON NG NCPC UKOL SA PAMBANSANG TIGIL-PASADA SA DISYEMBRE 4-5, 2017

2 Dec

“Ang Sektor ng Transportasyon na kabilang sa Naga City People’s Council (NCPC) ay hindi makiki-isa sa tigil pasada na gaganapin sa Disyembre 4-5, 2017.   Ngunit kami ay nakikiisa sa panawagan na ipagpaliban ang pagpapatupad ng pagpapalit ng aming mga jeepney at humanap muna ng mga katangap-tangap na “options” sa sinasabing “modernization” ng jeepney.

Unang-una ang ating jeepney ay bahagi na kulturang Pilipino at kung ano mang modernisasyon na gagawin dapat ay may pagsaalang-alang dito.    Kelan man hindi po kami tumututol sa modernisasyon ng transportasyon ngunit kailangan munang liwanagin at lagyan ng malinaw na parametro ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal industriya na makasabay ng mga lokal na samahan ng transportasyon sa pag-“modernize” ng mga jeepney at hindi lamang iilan na maaring maging monopoliya.

Nananawagan din po kami sa pamahalaan na muling pag-aralan ang pag phase-out ng mga jeepney na mahigit ng 15 taon sa pamamasada.   Totoo po na sa ganitong taon ng pamamasada hindi maitatatwa na may mga dapat ng palitan ngunit meron din na higit ng 15 taon ngunit parang bago pa rin dahil sa maingat na pag-gamit at pag-ayus ng operator at ng driver.   Baka maaring pong tingnan na maglagay ng isang independent na grupo na mag-assess kung paano i-modernize (palitan ng buo, palitan ang makina, ayusin ang katawan o mga accessories) ang bawat sasakyan hindi palitan agad ang lahat. Kung ganito ang gagawin, titigil ang galaw ng bansa dahil karamihan ng pagkilos ng mamamayan ay nakasalalay sa jeepney. Hinihingi rin po namin ang konsiderasyon na ang tulong pinansiyal sa pag-modernize ng jeepney ay hindi lamang idaan sa mga kooperatiba kung hindi sa mga indibidwal din po na operators at may ari ng sasakyan. Marami na po tayong karanasan sa kooperatiba at alam natin na hindi madali magpatakbo nito.  Maganda po ang kooperatiba pero hindi dapat pangkalahatan.

Hinihingi po namin sa pamahalaan, lalong-lalo na sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Naga, ang suporta sa panawagan na ito na maipaabot sa mga kinauukulan na mga nasyonal na departamento at mga opisina para sa kanilang konsiderasyon.”24337596_1702624206422502_181034688_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: